Nasaksihan ni Kim Atienza o kilala rin bilang “Kuya Kim,” ang naganap na stampede sa Itaewon, South Korea.
Naroon ang mamamahayag kasama ang kaniyang team para sa unang anibersaryo ng kanilang programang “Dapat Alam Mo!” kung saan may live coverage sana ito para sa Halloween parade, na isang tradisyon sa nasabing bansa ngunit nauwi ito sa isang trahedya.
Ayon kay Kuya Kim, mula nang nag-umpisa ang party ay nagdagsaan na ang mga kabataang Korean at ibang foreigner hanggang sa namalayan nalang niya ang nagsidatingang ambulansya at fire truck.
Base sa naging obserbasyon ni Kuya Kim, wala umanong crowd control at naging complacent ang pamahalaan ng South Korea.
Sa pinakahuling datos, nasa 151 na ang nasawi, 19 dito ang foreigners at isang sikat na South Korean actor.
Samantala, nakapagtala rin ng 82 na taong sugatan, at 19 sa mga ito ang seriously injured. —sa panulat ni Hannah Oledan