Trending ngayon sa social media ang pagre-report sa TV Patrol ni Kim Atienza o ni Kuya Kim kung saan makikitang hindi nito mapigilang tumawa.
Habang nagwe-weather report at sa kaniyang “Kaunting Kaalaman segments” halatang-halata na pinipigilan nito ang kaniyang pagtawa.
Maging ang sign language interpreter ay hindi rin maiwasan ang matawa kay Kuya Kim.
Ilang oras matapos mag viral ibinulgar naman ni Gretchen Fullido kung bakit natatawa si Kuya Kim.
Isang video ang inupload ni Gretchen kung saan makikitang tinanggap ni Kuya Kim ang challenge nito na banggitin ang salitang “tinapay” sa kaniyang weather report.
Pagmamayabang pa ni Kuya Kim, mababanggit niya ang word na tinapay nang hindi nasisira ang balita.
Nagtagumpay nga si Kuya Kim na banggitin ang salitang tinapay ngunit pagkatapos ay tawang tawa naman ito na pilit niyang pinipigilan.