Nagsagawa na ng paglilinis o ‘decontamination’ sa mga kuwartong ginamit ng dalawang Pinoy repatriates na nagpositibo sa COVID-19 sa New Clark City sa Tarlac.
Ito ay upang ma-contain at mapigilan ang pagkalat ng virus sa mga ginamit na silid.
Ayon kay Department of Health (DOH) Region 3 Director, Cesar Cassion, kasalukuyang nagpapagaling sa ospital ang dalawang repatriates na kapwa kasama sa inilikas mula sa MV Diamond Princess cruise ship sa Japan.
Samantala, ayon pa sa opisyal, maliban sa dalawang repatriates, mayroon pang isang kaso ng COVID-19 sa Central Luzon na residente naman ng San Jose Del Monte City sa Bulacan.
Kabilang ito sa 33 kumpirmadong kaso ng virus sa bansa na inanusyo ng DOH.