Natuklasan ng militar ang isang kweba na hinihinalang ginagawang hideout at ospital ng NPA o New People’s Army sa buenavista Agusan del Norte.
Ayon kay 23rd Infantry Battalion Commanding Officer Lt. Col. Francisco Molina Jr., nagsagawa ng security patrol ang mga sundalo sa lugar matapos silang makatanggap ng impormasyon mula sa mga sibilyan hinggil sa lokasyon at ginagawa ng mga NPA.
Dito na aniya nadiskubre ng mga sundalo ang kweba na tinatayang may sukat na 40 by 30 meters at kayang makapag-accommodate ng aabot sa labing limang tao.
Narekober naman sa loob ng kweba ang dalawang baril, mahigit siyamnapung (90) vials na posibleng ginagamit sa pag-oopera at ilang mga dokumento.
Habang nitong Sabado, narebober naman ng militar ang dalawang landmine habang muling nagsasagawa sila ng patrolya malapit sa nasabing kuweba.