Sa susunod na linggo pa tatalakayin ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang ipinatupad na protocols ng Cebu Province kung saan pinapayagang makapasok ang mga dayuhang hindi pa nababakunahan laban sa COVID-19.
Ayon kay acting presidential spokesperson cabinet secretary Karlo Nograles, kailangang makapagpalabas ng malinaw na kautusan ang IATF hinggil dito.
Binigyang-diin ni Nograles na ang patakarang napagkasunduan sa mga inbound foreign passengers ay dapat itong fully vaccinated.
Pero iba ito sa nais ipairal ng Cebu Provincial Government kung saan tatanggapin nila kahit pagpapakita ng negative RT-PCR test, 48 hours bago ang pagbiyahe mula sa kanilang pinanggalingang bansa. —sa panulat ni Abigail Malanday