Malungkot na ibinahagi ng singer na si Kyla ang balita sa kaniyang naranasang miscarriage.
Sa kaniyang instagram post, sinabi ng singer na nakunan o nawalan muli siya ng little angel sa ikaapat na pagkakataon.
“You have brought me so much joy, even for a few months that I carried you within me… It was all pure joy,” ani Kyla
Dagdag pa niya, “but losing you… Again…for the fourth time is unimaginable. I can’t even put my feelings into words.”
Mahirap naman para kay Kyla na ibahagi ang pagkawala ng kanyang anak lalo na at inilihim nila ang kanyang pagdadalang-tao sa kanilang pamilya at mga kaibigan.