Pasok na rin sa 10th season ng “Pinoy Big Brother” celebrity edition ang batang aktor na si Kyle Echarri.
Ito ang inanunsiyo ng host na si Bianca Gonzales kasunod ng pagpasok ng 12 housemates sa Big Brother house.
Makakasama ni Echarri sa ‘Bahay ni Kuya’ ang iba pang celebrities na sina Alyssa Valdez, KD Estrada, Madam Inutz, Anji Salvacion, TJ Valderrama, Samantha Bernardo, Brenda Mage, Alexa Ilacad, at iba pa.
Matatandaang sumikat si Echarri matapos sumabak sa “The Voice Kids” noong 2015.