Inamin ni Kylie Padilla na nakararamdam siya ng frustration.
Pero ito aniya ay di dahil sa itinatakbo ng kanyang karera kundi sa mataas na expectation sa kanya bilang anak ni Robin Padilla.
Ayon kay Kylie, nakalulungkot na hanggang ngayon ay ikinukumpara pa rin siya sa kanyang ama.
May mga tao pa ri n aniyang sinasabing kailangan niyang patunayan ang kanyang sarili dahil hanggang ngayon ay mas magaling pa rin dito ang ama niyang si Robin.
Ang mas masakit pa dito ayon kay Kylie, mga malalapit na tao sa kanyang buhay ang nagsasabi ng mga ito.
Dahil dito napapa-isip aniya siya kung ang Showbiz ba ay ginagawa niya para sumikat o dahil sa ang pag-arte ang kanyang passion.
By Ralph Obina