Nangangamba si Kylie Padilla sa magiging reaksyon ng amang si Robin Padilla kapag nakita ang sexy cover pictorial niya sa isang men’s magazine sa November.
Ayon kay Kylie, sexy ang lay out ng nasabing cover pictorial bagamat wala naman aniya siyang masyadong ipinakitang skin at tanging likod at hita lamang ang makikita.
Sinabi pa ng 22-anyos na Kapuso actress na hindi naman siya mapapagalitan ng ama subalit tiyak na madidismaya ito.
Isa sa mga litratong ipinakita sa showbiz reporters ni Kylie ay ang nakatalikod na shot niya kung saan bukas ang zipper ng kaniyang gown.
By Judith Larino