Nagsalita na ang dating beauty queen at aktres na si Kylie Versoza hinggil sa hiwalayan nila ng dating nobyong si Jake Cuenca.
Aminado si Kylie na nahihirapan siya at masakit pa rin ang break up nila ng aktor.
Sa ngayon aniya ay marami siyang natututunan sa kanyang sarili at sinusubukan pa rin niyang makarekober sa nangyari sa kanilang relasyon.
Pinasalamatan naman nito ang publiko sa ipinahayag na simpatiya sa kanila ni Jake.
Matatandaang nitong April 23 nang kumpirmahin ni Jake na break na sila ng aktres.
Samantala, ibinahagi ni Kylie na mayroon siyang film at online projects na gagawin at may ispesyal din siyang gagampanan sa Binibining Pilipinas 2022.