Kinilala bilang best actress of the year sa Distinctive International Arab Festival Awards (DIAFA) 2022 ang actress at Miss International 2016 na si Kylie Versoza.
Sa Instagram post ng DIAFA, kinilala ang natatangi at kauna-unahang pagganap ng beauty queen sa VIVA film adaptation ng 2010 South Korean Thriller na “The Housemaid” kasama sina Albert Martinez at Jaclyn Jose.
Ayon sa talent agency ni Kylie, ang DIAFA ay isang natatangi at prestihiyosong nagpaparangal sa mga kilalang personalidad mula sa Arab at international world, bilang pagkilala sa kanilang mga nagawa at kontribusyon para sa pagpapabuti ng lipunan.
Gaganapin ang ikaanim na red carpet and awards ceremony ng diafa sa November 2 sa Dubai Creek Harbour Marina, United Arab Emirates.