Napili ng liquor brand na Tanduay ang Beauty Queen-turned-Actress na si Kylie Verzosa bilang 2023 calendar girl nito.
Dito muling ibinida ni Kylie ang kanyang kaseksihan tampok ang iba’t-ibang ‘daring’ looks.
Sinabi ni Tanduay Distillers International Business Development Manager at Senior Brand Manager, Inc. Marc Ngo, na si Kylie ang perfect calendar girl para sa kanilang brand.
Sinabi naman ni Kylie na isang karangalan na maging calendar girl at isa aniya itong pangarap na natupad.
Say pa ng beauty queen-actress na hindi kailangan na ikumpara siya sa iba pang calendar girls dahil bawat babae ay may kanya kanyang katangian.