Magbabalik na si Kyrie Irving ng Cleveland Cavaliers para sa laban ng kanyang koponan kontra Philadelphia 76ers.
Ayon kay Irving, nasasabik na siyang muling sumabak sa basketball court.
May mga kakailanganin lamang na ayusin upang masiguradong walang panganib na maglaro muli ito.
Magugunitang nagtamo ng injury si Irving sa kanyang tuhod nang makasagupa ng Cleveland cavaliers ang Golden State Warriors noong Hunyo.
Itinuturing na kabilang si Irving sa tinaguriang Big 3 ng Cavaliers kasama sina Lebron James at Kevin Love.
By: Avee Devierte