Hiniling umano ni Brooklyn Nets guard Kyrie Irving sa kanilang team na i-trade siya sa ibang koponan sa NBA.
Sa ulat ng The Athletic, binanggit na nakiusap si Irving sa Nets na itapon siya sa ibang team bago ang trade deadline o aalis na lang siya para maging free agent sa Hulyo ngayong taon.
Si Irving ay matatandaang napili bilang NBA All Star sa ikawalong pagkakataon ngayong season matapos mag-average ng 27.1 points, 5.1 rebounds at 5.2 assists bawat laro.
Ang 30 taong gulang na manlalaro ay unang sumikat sa panig ng Cleveland Cavaliers at Boston Celtics bago napunta sa Nets.