Tuluyan nang lumipat ng koponan si all-star point guard Kyrie Irving.
Ito ay matapos siyang i-trade ng Cleveland Cavaliers sa Boston Celtics.
Ipinalit naman kay Irving ang point guard ng Celtics na si Isaiah Thomas.
Matatandaang sa pagtatapos ng NBA season ay nagsabi na si Irving na nais nitong malipat sa ibang koponan.
Si Irving ay may average career high na 25.2 points na may 47.3 percent na shooting at 5.8 assists noong nakaraang season.
By Ralph Obina