Mandatory na ang paggamit ng KyusiPass digital contact tracing app ng mga establisyimento sa Quezon City.
Ito, ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, ay para makatulong sa pagpapalakas ng contact tracing ng lokal na pamahalaan.
Sinabi ni Belmonte na kabilang ang naturang hakbangin sa inisyung bagong community quarantine guidelines ng Inter-Agency Task Force.
Maaaring kumuha ang mga negosyante ng kanilang QR code sa business permits and licensing department ng lungsod.
Samantala, binawi na ng Quezon City government ang liquor ban subalit mananatiling bawal ang pag-inom sa mga pampublikong lugar.