Mas lalo pa ring pinahanga ni KZ Tandingan ang mga Pilipino sa panibago na naman niyang performance sa singing competition na “Singer 2018”
Kahit nauna nang na-eliminate sa show, hindi pa rin nagpatalo si KZ nang makipag-duet siya sa British singer na si Jessie J at sa Hong Kong-born American singer na si Coco Lee sa kanyang pagbabalik sa Finals ng naturang kompetisyon.
Sa nasabing performance, muling napa-wow ang audience kay KZ nang i-deliver niya ang rap portion sa kantang ‘Bangbang’ na orihinal na pinerform ni Nicki Minaj.