Sasabak sa biggest singing competition sa China ang Pinay at soul supreme singer na si KZ Tandingan.
Ito ay matapos siyang makapasa sa matinding audition process para sa naturang kompetisyon.
Ang “Singer 2018” ay weekly show kung saan isang mang-aawit ang tatanggalin kada linggo at muling magpapasok ng panibagong challenger.
Sa naturang kumpetisyon dalawa lamang ang hindi Chinese contestant na kinabibilangan ni KZ at ng international singer na si Jessie J na nagpasikat ng kantang “Price Tag, Flashlight” at iba pa.
Mapapanood si KZ simula sa February 9 episode ng Singer 2018.
—-