Pumayag at nangako na si Filipino-American at Los Angeles Lakers Guard Jordan Clarkson na maglalaro ito sa Gilas Pilipinas sa 3 Olympic games simula sa susunod na taon sa Rio de Janeiro.
Ito ang kinumpirma ni Samahang Basketbol ng Pilipinas Chair Ricky Vargas at PLDT PBA Board Member Pato Gregorio.
Ayon kay Gregorio, nakipag-dinner si Clarkson sa kanila matapos ang pagkatalo ng Gilas sa South Korea kagabi sa nagpapatuloy na Jones Cup.
Dito ipinahayag ni Clarkson ang pagnanais na makapaglaro sa ilalim ng koponan ng Gilas hanggang taong 2024.
Sinabi pa ni Clarkson na nais niya ring makasama sa ilalim ng national team ang mga kapwa niya kabataang basketbolista na sina Ray Parks at Kobe Paras na kapwa naglalaro sa Estados Unidos.
Ipinabatid ni Vargas na sa mga susunod na araw ay pipirma na si Clarkson ng affidavit na siya ay Pilipino.
By Ralph Obina