Excited na si Luke Walton para sa kanyang bago at dream job ang maging coach ng Los Angeles Lakers sa susunod na NBA.
Ngayong araw ay pormal nang ipinakilala bilang bagong coach ng Lakers si Walton, 53 araw matapos siyang kunin mula sa Golden State Warriors kung saan ito ay nagsilbing assistant coach.
Kumpiyansa si Walton na bagamat nagretiro na si NBA legend Kobe Bryant ay sapat pa rin ang mga talentado niyang manlalaro gaya nina Julius Randle, Jordan Clarkson at iba pa para manalo.
Nangako si Walton na gagawin niyang lahat upang muling ibalik ang dangal ng koponan sa pamamagitan ng pagsungkit sa kampeonato.
Matatandaang si Walton ay naglaro din bilang Lakers forward ng 9 na season kung saan ay nakapanalo ito ng dalawang championship title.
By Ralph Obina
Photo Credit: Andrew D. Bernstein/NBAE via Getty Images