Nalusutan ng Los Angeles Lakers ang Oklahoma City Thunders sa kanilang paghaharap, kahapon.
Ginulantang ng LA ang Oklahoma sa score na 108-104 sa homecourt ng Thunders sa Cheasapeake Energy Arena sa Oklahoma City.
Nagpakawala ng 18 points ang Fil-Am shooting guard na si Jordan Clarkson habang nag-ambag ng 20 points si Brooke Lopez para sa Lakers.
Kumamada naman ng 36 points ang star point guard na si Russell Westbrook at 26 points si Paul George pero hindi ito naging sapat upang makahabol ang OKC.
Ito na ang ikalawang sunod na panalo ng Lakers na may kartadang 21-31 na nasa 11th spot at bagman ika-apat naman itong sunod na talo ng Thunders, nasa 5th spot ng Western Conference Division ang team sa standing na 30-24.
—-