Inaasahan na sa susunod na tatlong buwan mabubuo ang La Niña.
Gayunman, batay sa latest forecast ng United Nations Weather Agency, inaasahang magiging mahina at panandalian lamang ang pagpasok ng La Niña.
Ayon kay World Meteorological Organization (WMO) Secretary General Celeste Saulo, 55% ang posibilidad na mabuo ang La Niña conditions ngayong buwan ng Disyembre hanggang Pebrero 2025.
Paliwanag ng Kalihim, ang nabuong El Niño ngayong taong ay may pinakamainit na temperatura, ngunit hindi naman sapat ang pagpasok ng tag-lamig upang mabalanse ang epekto ng heat-trapping greenhouse gases. – Sa panulat ni Jeraline Doinog