Posibleng pumasok ang La Niña phenomenon sa bansa mula ngayong Disyembre.
Batay ito sa pag-aaral ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA, kung saan kanilang nakita ang 70 porsyentong tiyansa ng pag-iral ng La Niña sa bansa simula sa susunod na buwan at tatagal hanggang Marso ng susunod ng taon.
Dagdag ng PAGASA, bagama’t magiging mahina at maikli lamang ang iiral na La Niña ay mararamdaman pa rin ang magiging epekto nito sa bansa.
Kasabay nito, pinaghahanda ng PAGASA ang publiko sa mga posibleng epekto ng La Niña ngayong Disyembre.
—-