Opisyal nang nagsimula ng La Niña sa bansa ayon sa PAGASA.
Ibig sabihin nito ay mararanasan ang mas malalakas na pag-ulan o higit pa sa normal na buhos ng ulan.
Sinabi ng PAGASA na posibleng tumagal ito hanggang unang bahagi ng 2022.
Samantala, ipinabatid din ng pagasa ang pagtatapos ng habagat at pagpasok naman ng amihan o tag-lamig.