Nagpaalala ang Department of Agriculture o DA sa mga magsasaka sa Eastern Visayas kaugnay ng La Niña o labis na pag-ulan ngayong taon.
Ayon kay Agriculture Eastern Visayas Regional Director Leo Cañeda, pinaghahanda nila ang lahat ng magsasaka sa maagang pagtatanim at pag-ani.
Paliwanag ni Cañeda, kung magiging malala ang La Niña, aabot sa Isang Daan at Limampu’t Limang Libong ektaryang pananim sa Eastern Visayas ang maaapektuhan.
Karaniwan aniyang nakalilikha ng Dalawang daang metriko toneladang bigas ang Eastern Visayas.
At makararanas ng kahirapan sa rice self-sufficiency ang rehiyon kung magkakaroonng kakulangan ng bigas dahil sa La Niña.
By: Avee Devierte