Idineklara na ng PAGASA ang pagtatapos ng La Niña.
Ayon sa climate monitoring chief ng pagasa na si Ana Lisa Solis, mararanasan ang enso neutral condition ngayong buwan hanggang sa setyembre o nobyembre.
Gayunman, sinabi ni Solis na batay sa latest El Niño-La Niña probabilistic forecast na inilabas ng Climate Prediction Center, posible pa ring mararanasan ang pagpasok ng la niña sa October hanggang December 2025
Bagama’t, nilinaw ni Solis na malayo pa ito at hindi pa tiyak kaya’t kinakailangan pa rin ang patuloy na pag-monitor sa buwanang updates hinggil sa lagay ng panahon.—sa panulat ni John Riz Calata