Malaki pa rin ang posibilidad na maranasan ang La Nina phenomenon sa bansa sa mga darating na buwan.
Ito ang ibinabala ni PAGASA Climate Monitoring and Prediction Section Chief Analisa Solis, sa harap ng nagbabantang panibagong severe tropical storm marce at naging epekto ng mga bagyong kristine at leon.
Sa katunayan anya ay nakataas pa rin ang La Nina “alert” at nananatili sa 75% ang posibilidad na umiral ito ngayong buwan hanggang Enero ng susunod na taon.