Inaasahan ng PAGASA na magsisimula na ang La Niña sa Hunyo.
Sa taya ng Weather Service, 55% na ang posibilidad na magsisimula sa Hunyo, Hulyo, at Agosto ang La Niña o pag-ulan sa bansa.
Gayunman ayon kay Ana Liza Solis, officer-in-charge ng PAGASA Climatology and Agrometeorology Division, maaaring tumagal ng ilang buwan ang epekto ng El Niño sa mga susunod na buwan.
Dagdag pa ni OIC Solis, maaari pa ring maramdaman sa iba’t ibang parte ng Luzon ang drought o tagtuyot sa huling bahagi ng Agosto, sa kabila ng kahit anong pag-ulan. – sa panunulat ni Charles Laureta