Posibleng umabot sa June hanggang August 2022 ang La Niña.
Ayon sa PAGASA, bahagyang lumakas ang La Niña base sa naobserbahang temperatura sa naganap na 147th Climate Forum kahapon, April 27.
Batay sa rain forecast ng PAGASA para sa buwan ng mayo nagpapakita ito ng 81% to 120% normal rainfall sa halos buong bansa habang ang above normal rainfall ay inaasahan sa Bataan, Occidental Mindoro, Negros Oriental at Siquijor.
Nasa above normal din ang rainfall forecast sa Angat watershed.
Wala namang tropical cyclone na inaasahan sa susunod na buwan. – sa panulat ni Airiam Sancho