Inihayag ng PAGASA na magtatagal pa ang La Nina hanggang sa Abril ng susunod na taon.
Dahil dito, asahan na ang mas malamig na temperatura, mas malakas na hangin at mas maraming pag-ulan.
Ayon sa PAGASA, partikular na makararanas ng pag-ulan ang silangang bahagi ng Visayas at Mindanao sa first quarter ng 2022.
Samantala, posible namang magkaroon lamang ng tig-isang bagyo sa Enero hanggang Abril at dalawang bagyo naman sa Hunyo 2022.