Inaasahang tatagal pa hanggang buwan ng Abril o Mayo ang nararanasang La Niña phenomenon.
Dahil dito, asahan ang mas maraming pag-ulan at bahagyang mas mainit na temperatura sa bansa.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA, nananaig pa rin ang La Niña sa tropical pacific na may posibleng paglipat patungong neutral condition pagsapit ng susunod na tatlong buwan.
Dahil dito, asahan ang mas mainit na temperatura ang malaking bahagi ng bansa sa mga susunod na buwan.
—-