Binulabog ng pagsabog ng granada ang bayan ng La Paz, Abra.
Nagising ang mga residente ng Barangay Bulbulala nang umalingaw-ngaw ang malakas na pagsabog.
Ayon sa Abra Provincial Police Office, bagaman walang nasaktan, isang bahay naman ang bahagyang napinsala.
Inaalam na ang motibo at pagkaka-kilanlan ng nasa likod ng insidente.
Magugunitang idineklara ng COMELEC ang Abra bilang isa sa mga election hotspot para sa May 13 midterm elections.