Nasungkit ng De La Salle Green Archers ang senior men’s basketball title ng UAAP Season 79.
Ito’y matapos ilampaso ng La Salle ang kanilang arch-rival Ateneo Blue Eagles sa game 2 ng finals series sa Araneta Coliseum sa score na 79-72.
Si King Archer Jeron Teng ang nanguna sa koponan taglay ang kanyang 28 points.
Ito ang ikalawang sunod na kampeonato na nakuha ni La Salle Coach Aldin Ayo na siyang gumabay sa Letran Knights sa pagsungkit ng titulo noong nakaraang taon sa NCAA bago lumipat sa Archers.
By Jelbert Perdez