Umatras si Ginebra Gin Kings point guard LA Tenorio na maging manlalaro ng Gilas Pilipinas na lalaban sa FIBA Asia Championship na gaganapin sa China.
Ayon kay Tenorio, mahigit apat na taon na ring siyang kasama sa national team at bugbog na aniya ang kanyang katawan sa laro.
Dahil dito nagpasya muna si Tenorio na lumiban muna sa koponan ngayong taon para makapagpahinga.
Nilinaw naman ni Tenorio na handa naman itong maglaro sa susunod na taon kung muli siyang pipiliin ng Gilas.
Malaki naman ang panghihinayang ni Gilas Coach Tab Baldwin dahil sa magaling at malaki aniya ang karanasan ni Tenorio sa paglalaro sa international basketball.
Samantala, posibleng sa susunod na linggo ay ianunsyo na ang pangalan ng mga manlalarong bubuo sa Gilas para sa FIBA Asia Championship.
By Ralph Obina