Naitala sa lungsod ng San Fernando ang kauna-unahang kaso ng african swine fever (ASF) sa lalawigan ng La Union.
Ayon kay San Fernando City Mayor Alfredo Pablo Ortega, isang babuyan sa barangay Cadaclan ang kumpirmadong nagkaroon ng ASF.
Dahil dito, inumpisahan na ng city at provincial government ang culling o pagpatay sa mga alagang baboy na nasa loob ng 1 kilometer radius ng apektadong barangay.
Tiniyak naman ni Ortega na nabigyan ng tulong pinansiyal ang mga apektadong magbababoy sa lungsod.
Dagdag ni Ortega, mahigpit na rin nilang iniinspeksyon ang mga ibinebentang baboy sa mga palengeke para matiyak na walang ASF ang mga ito.