Isinailalim na ang buong lalawigan ng La Union sa state of calamity kasunod ng pananalasa ng bagyong Maring.
Batay sa resolusyon ng Sangguniang Panlalawigan, binanggit na aabot sa 259 barangays, 38,812 families, 135,881 persons, at 4,263 houses ang apektado ng kalamidad.
Bukod dito, nasa P369.3 million din ang naging pinsala sa agrikultura.
Samantala, maging ang Dagupan City ay isinailalim na rin sa state of calamity dulot ng matinding epekto ng bagyo sa lungsod.