Bukas na muli sa turista ang lahat ng tourist activities ng Lokal na Pamahalaan ng La Union.
Sa ilalim ng Executive Order No. 27 na inisyu ni Governor Emmanuel Ortega III, 700 lamang na registered tourist mula Luzon na nasa 15 hanggang 65 taong gulang ang maaaring makapasok sa kanilang probinsiya kada araw.
Bukod dito, kahit saan pa ito galing kailangan rin magpakita ng negative result ng RT-PCR test results sa loob ng 72 oras bago dumating sa lalawigan.
Maging ang saliva-based RT-PCR test result na mula sa Philippine Red Cross ay tatanggapin ng lokal na pamahalaan.
Maaaring mag-book ang mga turista sa kanilang pagbisita sa lalawigan sa pamamagitan ng mga accredited travel operator at mag-apply ng travel request sa visitor information at tourist assistance website.