Niyanig ng magnitude 3.8 na lindol ang La Union kaninang umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS, natukoy ang sentro ng lindol sa layong apat na kilometro hilaga ng bayan ng Pugo.
Tectonic ang pinagmulan ng pagyanig at may lalim na pitong (7) kilometro.
Naramdaman ang intensity 4 sa bahagi ng Baguio City.
Wala namang napaulat na napinsala sa naturang pagyanig.
—-