Alinsunod sa hangarin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ilapit ang mga serbisyong pangkalusugan sa publiko, inilunsad ang “Lab for All” caravan sa Quezon City.
Higit sa 2,000 residente ang nakinabang sa libreng laboratoryo, gamot, konsultasyon, at iba pang serbisyo na hatid ni First Lady Liza Araneta-Marcos sa Quezon City, kasama si Mayor Joy Belmonte at ilan sa mga miyembro ng gabinete ni Pangulong Marcos.
Sa kanyang mensahe, nagpasalamat naman si Mayor Belmonte kay First Lady Liza sa malasakit nito sa mga residente ng lungsod, lalo na’t biktima ng nagdaang bagyong Carina at habagat ang ilan sa mga naging benepisyaryo ng programa.
Matatandaang sariling ideya ni First Lady Liza ang paglulunsad ng Lab for All caravan na tutupad sa inisyatiba ni Pangulong Marcos na palakasin ang sektor ng kalusugan sa bansa.