Iginiit ni Senadora Nancy Binay na dapat pag-isipang mabuti ng mga opisyal na nangunguna sa pag-aanunsyo ang mga patakaran na inilalabas sa publiko kaugnay sa COVID-19 health protocols.
Ito ay matapos maging tila laban at bawi ang naging polisiya ng gobyerno na matapos ipatupad ay babawiin din muli makalipas ang ilang linggo ng implementasyon.
Sana isipin nila maigi ang polisiya na nilalabas nila bago nila ilalabas sa publiko dahil kung titingnan mo parang ilang beses na nilang ginagawa. May isang grupo for example yung NTF, ilalabas nila na ganito ang policy tapos kapag may nag-ingay ganito ang clamour ng nag-iimplement, babawiin nanaman,iyong isang ahensya sasabihin nanaman na hindi iyan ang iimplement na policy diba ang gulo,″pahayag ni Senadora Nancy Binay.
Giit ni Binay, dapat mayroon nang malinaw at handang plano na ituturo sa taong bayan kung ano ang magiging sitwasyon kapag nagluwag ang ekonomiya ng bansa,
Katulad nung umpisa paulit ulit na sinasabi ko, dapat ang policymakers, gumawa na sila ng materyales para turuan ang kababayan kung ano ang magiging new normal pag nagluwag na ang economy mukhang walang ganun. Ang nangyari binuksan ang ekonomiya pero ‘di naturuan kung ano ang dapat na maging paglabas sa new normal. Parang walang naging modeling kung ano ang senaryo natin habang nagbubukas angekonomiya. We have to live with the virus at ‘di katanggap tanggap na nakakulong tayo forever,″wika ni Binay. panayam sa Usapang Senado—sa panulat ni Agustina Nolasco