Binigyang diin ng isang senador na batid ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang katungkulan bilang lider ng bansa at bilang arkitekto ng foreign policy ng bansa.
Ito’y ayon kay Senador Bong Go bilang pagdidipensa sa pangulo sa harap ng paratang na hindi nito ipinaglalaban ang West Philippine Sea mula sa panghihimasok ng China.
Giit ni Go, alam ng pangulo ang kailangang ipaglaban ngayon at armas ang naipanalong arbitration case laban sa pilit na pag-aangkin ng China sa West Philippine Sea.
Patunay daw dito, ang utos ng pangulo na manatili sa West Philippine Sea para mag-patrolya ang Philippine Coast Guard.
Una rito, sinabi ng pangulo na kaibigan ang China at hindi rito kayang makipag gyera ng Pilipinas sabay sabi ring malaki ang utang na loob ng Pilipinas sa China at isa sa dahilan ang pagbibigay nito ng COVID-19 vaccines.
Ayon kay Go, batid ng pangulo kung alin ang kailangang isulong at isantabi muna dahil mayroong pandemya.
Hinamon pa sila ni Go na mga kritiko ng administrasyon ang pumunta sa pinag-aagawang teritoryo. —ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)