Pabor ang laban konsyumer na ibaba sa P36.00 ang suggested retail price (SRP) ng regular milled rice.
Ayon kay Atty. Vic Dimagiba ng Laban Konsyumer, bago pa dumagsa ang imported rice sa bansa ay inirekomenda na nilang ibaba ang SRP ng bigas.
Sinabi ni Dimagiba na target sana noon ng pamahalaan na maibaba pa ng P7.00 ang presyo ng bigas subalit malinaw na sa ngayon ay bigo itong maabot ng Rice Tarification Law.
Kumita nga anya ng P5-B taripa ang pamahalaan mula nang magsimula ang rice importation pero hindi nito nagawa ang dapat sa presyo ng bigas sa pamilihan.
If you bring the SRP, halos lahat na ‘yan sakop na. ‘Yung premium and commercial, indirectly, bababa din ‘ya, alam mo bakit? Pag ‘yung well milled mo t’yaka regular milled mo, P35, P36 na, e. Baka mag-shift din ‘yung mga bumibili ng premium,” ani Dimagiba.
Ratsada Balita Interview