Mananatiling palpak ang laban ng pamahalaan sa iligal na droga hangga’t may mga scalawag na pulis.
Naniniwala si Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP Episcopal Commission on Migrants and Itenerant People Chairman, Balanga City, Bataan Bishop Ruperto Santos na dapat parusahan ang mga pulis na sangkot sa iligal na gawain at extra-judicial killings.
Tiniyak naman ni Santos na magiging kapaki-pakinabang kung nagkakaisang nagtatrabaho at nagkaka-unawaan ang estado at simbahan sa halip na maging kritikal sa bawat isa.
Inihalimbawa ng obispo ang ugnayan at pagtutulungan ng diocese at local government sa pamamagitan ng pagsasagawa ng misa sa provincial jail maging sa headquarters ng Bataan Provincial Police.
By Drew Nacino | Report from Aya Yupangco