Kumbinsido si Professor Ramon Casiple, isang political analyst na magiging gitgitan ang laban ng 4 sa 5 kandidato sa pagkapangulo sa Mayo 9.
Tinukoy ni Casiple sina Vice President Jejomar Binay, Senador Grace Poe, Mayor Rodrigo Duterte at Secretary Mar Roxas.
Ayon kay Casiple, hindi na niya isinama si Senador Miriam Santiago dahil masyado na itong malayo sa mga survey bukod pa sa tila bumigay agad ang senador sa unang araw pa lamang ng kampanya dahil sa hindi magandang lagay ng kanyang kalusugan.
Pinuna ni Casiple pare-parehong nakatutok sa pagsugpo sa kahirapan ang plataporma ng apat na kandidato pero iba’t iba lamang ang pamamaraan.
Magkakatalo na lamang anya sa perception ng mga botante kung sino sa apat ang mayroong mas malawak na pang-unawa sa problema ng mga mahihirap.
LISTEN: Bahagi ng panayam kay political analyst Ramon Casiple
VP
Samantala, posible namang mauwi na lamang sa tatlo ang tunay na maglalaban laban para sa puwesto bilang Vice President.
Tinukoy ni Casiple sina Senador Francis Escudero, Senador Bongbong Marcos at Congresswoman Leni Robredo.
Sa ngayon anya ay puwede pang isama si Senador Allan Peter Cayetano subalit nanganganib na tuluyan itong malaglag kapag hindi pa nagbago ang kanyang ratings sa mga susunod na survey.
LISTEN: Bahagi ng panayam kay political analyst Ramon Casiple
By Len Aguirre | Ratsada Balita