Nabulabog ang game 5 ng PBA Philippine Cup sa pagitan San Miguel Beermen at Magnolia Hotshots.
Ito ay makaraang umagaw ng eksena ang isang fan na nakasuot ng Spiderman costume na nagtatakbo sa gitna ng court bitbit ang placard na may mensaheng “vote love”.
Nangyari ito sa nalalabing tatlong minuto ng fourth quarter kung saan ay bumangga pa ang lalaking naka-Spiderman kay June Mar Fajardo dahilan upang matumba ang sentro ng San Miguel.
Agad namang dinampot ng security personnel si Spiderman na lamang iparating sa lahat ang matalinong pagboto sa eleksyon at nasa niyang magmahalaan ang lahat.
Samantala, nasilat ng Hotshots ang panalo sa Beermen sa iskor na 88-86.
Hawak na ngayon ng Magnolia ang 3-2 advantage at isang hakbang na lang para masungkit ang kampeonato.