Niluluto ngayon ni Hall of Fame Promoter at Top Rank CEO Bob Arum na sa Pilipinas gawin ang susunod na laban ni four division world champion Nonito The Filipino Flash Donaire Jr. matapos manalo kay Cesar Juarez noong Disyembre.
Ayon kay Arum, nais niyang idipensa ni Donaire ang kanyang WBO Super Bantamweight title sa Araneta Coliseum na siya ring pinagdausan ng makasaysayang Thrilla in Manila sa pagitan nina Muhammad Ali at Joe Frazier 40-taon nang nakalilipas.
Sinabi ni Arum na posibleng makalaban dito ni Donaire si dating World Featherweight Champion Evgeny Gradovich sa Abril 23.
Ipinahayag ni Arum na ngayong taon ay kanyang ipagdiriwang ang ika-50 niyang taon bilang promoter kaya’t asahan aniya ang malalaking at engrandeng laban at kasama nga dito si Donaire.
By Ralph Obina