Tila takot umanong malugi si Top Rank Boss Bob Arum sa susunod na laban ni 8 Division Champion Manny Pacquiao.
Ito’y matapos igiit ni Arum na posibleng sa Estados Unidos na ang susunod na laban ni Pacquiao at malabo na itong matuloy sa United Arab Emirates at England.
Sinasabing mas gusto ni Arum na ilatag ang laban ni Pacquiao sa 2016 sa Amerika dahil siguradong tatabo ito ng sangkaterbang pay-per-view sales.
Matatandaang humakot ng 4.5 million buys ang laban nina Pacquiao at Floyd Mayweather, Jr. noong Mayo na nakabasag ng maraming pay-per-view records.
By: Jelbert Perdez