Tuloy na tuloy na ang laban ni dating 8-division world champion Manny Pacquiao sa Kuala Lumpur sa Hulyo.
Ito ang kinumpirma ng boxing promoter at dating world champion na si Oscar Dela Hoya kung saan makakalaban ng Pambansang Kamao ang pambato ng Argentina na si Lucas Matthysse.
Ayon kay Dela Hoya pirmado at selyado na ang naturang laban.
Aminado naman si Pacquiao na hindi ito magiging madaling laban lalo’t isang knockout artist si Matthysse.
Kasalukuyang hawak ni Matthysse ang 39 wins kung saan tatalumpu’t anim dito ay sa pamamagitan ng knockout.
—-