Ipinagbigay-alam na umano ni Filipino boxing icon Manny Pacquiao kay Bob Arum na gusto niyang lumaban sa ikalawang linggo ng Abril sa susunod na taon.
Kabilang sa mga posibleng sasagupain ni Pacquiao, ayon kay Arum, ay sina Terence Crawford, Amir Khan, Kell Brook, Lucas Matthysse at Juan Manuel Marquez.\Desidido naman umano si Arum na ilatag ang negosasyon para sa rematch nina Pacquiao at Marquez.
Mula nang matalo sa kamao ni Floyd Mayweather Jr. Noong Mayo ay hindi na muling nakasampa ng ring ang pambansang kamao dahil injury nito sa rotator cuff.
By: Jelbert Perdez