Tuloy na tuloy ang laban ni 8-Division World Champion Manny Pacquiao sa darating na Abril.
Bagamat wala pang pinal na makakalaban sinabi ng Pambansang Kamao na wala siyang nakikitang problema sa pagsabak sa laban sa Abril lalo’t naka-recess naman ang Senado sa mga panahong iyon.
Sinabi ni Pacquiao na posibleng sa General Santos City gawin ang unang sigwada ng kanyang training.
Matatandaang kabilang sa mga pinagpipiliang makalaban ng fighting senator ay ang dati nitong sparring partner na si Amir Khan at ang Australian boxer na si Jeff Horn.
By Ralph Obina